Nananatiling suspendido ang ilang biyahe ng bus sa Paranaque Integrated Terminal Exchange (PITX) ngayong araw ng Huwebes, Oktubre 24, 2024 dahil sa masungit na lagay ng panahon dulot ng bagyong Kristine.
Kabilang sa kanseladong biyahe ay patungong Tagkawayan, Quezon province (5am) dahil maraming mga kalsada ang hindi madaanan dulot ng mga pagbaha.
Kanselado din ang biyahe sa Cagayan de Oro (9am), Sorsogon (9:30am), Sta. Cruz (8am), Guinayangan (9:30am), Calauag (12pm), Nasugbu via Ternate (8:30am-12pm), Daet (8am), Legazpi (4pm,7:45pm at 8pm), Lemery, Batangas (12:30pm, 4:30pm, 6:30 pm), Matnog (5:15pm), Bulan, Sorsogon (6:15pm), Tabaco (hanggang 8pm), Gubat Sorsogon, Virac, Legazpi, at Naga dahil maraming mga kalsada din ang hindi madaanan dahil sa mga baha.
Gayundin ang morning sea trips ay kinansela sa may Batangas port papuntang San Jose, Mindoro at ang sea travel kaninang 12:30pm sa Pilar port patungong Masbate.
Kaugnay nito, pinapaalalahanan ng pamunuan ng PITX ang mga pasahero na manatiling updated para malaman ang mga available na biyahe, schedule at iba pang impormasyon sa pamamagitan ng kanilang website.