-- Advertisements --
Naantala ang biyahe ng ilang mga bus sa ParaƱaque Integrated Terminal Exchange (PITX) na patungong Bicol sa nagdaang mga araw dahil sa mabigat na daloy ng trapiko dulot ng nasirang Andaya Highway sa Camarines Sur.
Ayon kay PITX spokesperson Jason Salvador, nasa 62 mula sa 113 biyahe ng mga bus ang naantala noong araw ng Huwebes at nasa 10 pang trips ang naantala noong Biyernes.
Bunsod nito, naapektuhan ang mahigit 2,000 pasahero.
Sa kabila nito, tiniyak ni Salvador sa mga biyahero na kung kinakailangan nakahanda ang kanilang stakeholders na mag-deploy ng karagdagang bus units na maaaring isyuhan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng special permits.