-- Advertisements --

Sinuspinde ng Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) ang ilan sa mga biyahe nitong linggo dahil sa Tropical Storm Aghon.

Sa isang advisory, sinabi ng PITX na ang mga sinuspindeng ruta ay patungo sa San Jose, Mindoro; Iloilo City; Tagbilaran; Maasin; Laoang; Masbate at Lucena.

Gayundin ang biyahe papuntang Guinayangan, Quezon ; Calauag, Quezon; Sta. Elena, Quezon at San Andres, Quezon.

Pinayuhan ng PITX ang mga pasahero na makipag-ugnayan sa bus operators para sa rebooking.

Samantala, ayon kay Kolyn Calbasa, senior corporate affairs officer ng PITX, inabisuhan ng mga nakatalagang kinatawan ng bus companies ang mga pasahero kaugnay sa suspensiyon ng kanilang biyahe sa pamamagitan ng pagpapadala ng text message.

Matatandaan na noong araw ng Sabado, unang nag-landfall ang Aghon sa Eastern Samar

Naging ganap na bagyo ito habang nasa Tayabas Bay nitong Linggo ng madaling araw. Itinaas naman ang Signal No. 3 nitong gabi ng linggo sa eastern section ng Quezon province, kabilang ang Polillo Islands.