VIGAN CITY – Maagang pumila sa venue ng Dugong Bombo 2019 sa lungsod ng Vigan ang ilang tinaguriang Bombo galloner na taun-taong nakikibahagi sa pinakamadugong araw sa buong bansa, ang Dugong Bombo.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Vigan sa ilang mga blood donors na nanggaling pa sa iba’t ibang bahagi ng lalawigan, sinabi ng mga ito na matagal umano nilang napaghandaan ang bloodletting activity ng Bombo Radyo.
Inagahan na umano nila ang pagpunta sa Vigan Convention Center kung saan gaganapina ang simultaneous bloodletting activity ng Bombo Radyo Philippines sa lungsod ng Vigan upang sila rin ang maunang sasalang sa extraction ng dugo.
May ilan din sa kanila na naging panata na umano ang pakikilahok sa Dugong Bombo dahil sa magandang dulot nito sa kanilang katawan.
Ngayong taon, bukod sa mga individual blood donors, inaasahang dadalo at makikibahagi sa Dugong Bombo 2019 ang ilang fraternity at sorority at non–government organizations na lumagda sa memorandum of agreement sa pagitan nila at ng Bombo Radyo Vigan.