-- Advertisements --

LAOAG CITY – Inihayag ni Bombo International News Correspondent Rene Ballenas mula sa New Jersey, United States of America na nangangamba ang ilang botante sa Estados Unidos na maulit ang US Capitol riot na isagawa ni dating US Pres. Donald Trump noong Enero 6, 2020.

Ayon sa kanya, nababahala ang mga botante sakaling hindi tanggapin ni Trump ang magiging resulta ng 2024 US Presidential Election lalo na’t lumalabas na may mga umano’y dayaan sa halalan.

Batay aniya sa Iowa survey, bumaba sa 44 percent sa survey si Trump habang si US Vice Pres. Kamala Harris ay tumaas ng 47 percent.

Sinabi niya na ang mga boto sa Estados Unidos ay mabilis na binibilang sa pamamagitan ng pagpapadala sa isang makina.

Dagdag pa niya, habang papalapit ang eleksyon, umiinit ang laban nina Trump at Harris kung saan nag-o-overtime pa sila sa kampanya.