-- Advertisements --

Iniulat ng Land Transportation Office (LTO) na nasa 200 sa kabuuang 756 units na mga breath analyzers na binili ng nagdaang adminstrasyon ang maaring ayusin pa at gamitin ng kanilang mga personnel.

Nadiskubre ito ni LTO Assistant Secretary Attorney Vigor Mendoza II ng magsagawa sila ng inventory ng nasabing mga kagamitan para implementasyon ng Anti-Drunk and Drugged Driving Act of 2013.

Kanilang pinag-aaralang mabuti kung aayusin pa ba o bumili na lamang ng bagong units.

Magugunitang ibinunyag ni Senator Raffy Tulfo ang depektibong mga breath analyzers ng magsagawa ito ng pagdinig sa senado.