LAOAG CITY – Kinumpirma ni Mayor Remigio Medrano na may mga ilang opisyal ng barangay sa bayan ng Sarrat na ayaw sumailalim sa swab test.
Ayon kay Medrano, nitong Martes sana sasailalim sa testing ang mga ilang residente kabilang ang mga opisyal pero hindi umano sila sumipot.
Hindi rin umano maintindihan at hindi makapaniwala si Medrano na mismong mga opisyales ang umayaw na sumailalim sa RT-PCR test na bahagi ng isinasagawang random testing.
Iginiit pa nito na kung ganito rin lang ang asal ng mga naturang Brgy. Officials ay wala umano silang karapatang manilbihan pa sa kanilang nasasakupan.
Pahayag pa nito na dahil sa ipinakitang asal ng mga ito ay posibleng hindi rin magboluntaryo ang mga residente na sumailalim sa testing.
Nabatid na bukas ay isasagawa muli ang random testing at kung hindi pa rin sisipot nag mga opisyal ay mapipilitan itong ibulgar ang kanilang pagkakakilanlan at sasampahan rin niya umano ito ng kaso.
Samantala, aabot na sa 29 na kaso ng covid-19 ay narekord sa naturang bayan kabilanga ng isang namatay.