-- Advertisements --
Pinatawan ng 30-araw na suspension ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang 26 bus units ng Victory Liner Inc. na biyaheng Cubao patungong Baguio.
Sinabi ni LTFRB chairman Teofilo Guadiz III na ang hakbang ay matapos ang naganap na aksidente sa lalawigan ng La Union na ikinasawi ng tatlong katao.
Dagdag pa ni Guadiz na apektado sa nasabing biyahe ay mula Cubao patungong Baguio City via Dau, Tarlac at Urdaneta.
Inatasan din ng LTFRB chairman ang nasabing bus company na isailalim ang lahat ng drivers nila sa road safety seminar sa Land Transportation Office.