-- Advertisements --
Simula sa Oktubre 1 ay gagamit na ng BeepCard ang mga pumapasadang bus sa EDSA Busway System.
Ayon sa Department of Transportion Assistant Secretary for Road Transport and Insfrastructure Steve Pastor na ang nasabing hakbang ay bilang bahagi ng pagbabawas sa pagkalat ng coronavirus.
Isa aniya itong paraan na iminungkahi ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Disease bukod sa pagsusuot ng face mask, pagsusuot ng face shield at social distancing.
Ang EDSA Busway ay proyekto ng DOTr, LTFRB at MMDA na mas mabilis na biyahe ng mga mananakay mula Monumento papuntan PITX na dadaan sa median bus lane.
Mas maiksi na biyahe na mula sa dating 3 oras ay magiging 1 oras na lamang.