Ikinalungkot ng ilang mga business organization ang pinakabagong harassment na ginawa ng China Coast Guard laban sa mga tauhan ng Phil Navy sa West Phil Sea.
Batay sa statement na inilabas ng grupo, nakakalungkot umanong tuloy-tuloy na hinaharass ang AFP at PCG na ginagawa lamang ang kanilang trabaho.
Kasabay nito ay umapela ang grupo ng pagkakaisa tungo sa isang mapayapang resolusyon ng may pag-respeto sa karapatan ng bansa.
Nakasaad pa sa statement ng grupo na dahil kailangan ng kapayapaan at seguridad para makabuo ng mas matatag at progresibong Pilipinas, hinihiling ng grupo ang paggamit sa whole-of-nation approach para matugunan ang kasalukuyang bansa sa soberanya at seguridad ng bansa.
Hinimok rin ng grupo ang pamahalaan na tutukan ang modernisasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Phil Coast Guard (PCG).
Kailangang tugunan ang pangangailangan anila, para sa tuluyang transpormasyon ng AFP at PCG tungo sa moderno, responsive, at self-relient na pwersa.
Ang naturang statment ay nagmula sa 17 na malalaking business organizations sa bansa, kabilang ang Management Association of the Philippines, Alyansa Agrikultura, Bishops-Businessmen’s Conference for Human Development, Federation of Indian Chambers of Commerce (Phil) Inc., atbpa.