Inihayag ng Philippine Chamber of Commerce and Industry at ng Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. na posibleng lumago ang ekonomiya ng bansa ngayong nagsimula ng pumasok ang BER months.
Sa isang pahayag, sinabi ni Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc . Pres. Dr. Cecilio Pedro, sa ngayon ay maraming global factors ang nagdudulot ng malaking epekto sa bansa.
Sa kabila nito ay malaki pa rin ang potensyal na gumanda ang ekonomiya ng bansa ngayong mahaba ang selebrasyon ng christmas season sa Pilipinas.
Dahil dito ay dadami umano ang economic activities at madalas aniya na tuwing christmas season ay maraming Pilipino ang talagang gumagastos.
Ito ang magdadala naman ng magandang kita at magandang oportunidad sa mga negosyante.
Samantala, iginiit rin nito na kailangan gumawa ng paraan ang pamahalaan na hikayatin ang mga pribadong sektor na mamuhunan sa bansa.