Gamit ang personal social media accounts ay inihayag ng ilang celebrities ang kanilang pagka dismaya hinggil sa naging resulta ng katatapos lamang na 2019 midterm elections.
Tinawag na “source of entertainment” ni JK Labajo ang gobyerno dahil tila hindi raw nag set ng standards ang mga botante sa pagpili ng kanilang ibobotong kandidato lalo na sa national positions.
Gusto naman bumili ng sampung kilong pag-asa para sa bayan ang aktres na si Alessandra De Rossi na hindi rin naitago ang panlulumo sa nangyari.
Biro pa ng dalaga kung sa paglalaba raw ay inihihiwalay ang puti sa de color ay siguradong madali lang din malaman ang tama sa mali.
Sa kabila nito, nagbigay paalala naman ang aktor na si Enchong Dee sa kanyang kapwa celebrities na hindi lang daw dapat tuwing eleksyon nagkakaroon ng pakialam patungkol sa mga social issues na kinakaharap ng bansa.