-- Advertisements --

ILOILO CITY- Nagpapatuloy ang reshuffling sag lahat ng mga chiefs of police sa Western Visayas.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Police Regional Office-6 Director Police Brigadier General John Bulalacao, sinabi nito na ang pag-relieve sa mga hepe ay may kaugnayan sa nalalapit na May 13, 2019 elections.

Ayon kay Bulalacao, ang ibang mga hepe na inilipat sa ibang lugar ay napasama sa mandatory relief.

Ngunit ayon kay Bulalacao, lumabas sa kanilang pananaliksik na ang ibang hepe ay nagkakaroon talaga ng ugnayan sa mga lokal na opisyal at mga kandidato.

Mahalaga aniya ito upang maiwasan ang intriga, mapangalagaan ang kanilang integridad, at para na rin sa tinatawag na delikadesa.

Ani Bulalacao, hindi nito kukunsentihin ang mga hepe na tumatanggap ng suhol at nagpapadikta sa mga kandidato lalo na ngayong halalan.