-- Advertisements --

Tiniyak ng 33 Chinese-Filipino business and civic organizations sa bansa na suportado nito ang ginagawang diskarte ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa West Philippine Sea.

Ginawa ng grupo ang pahayag kasunod ng lumalalang tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China sa pinag-aagawang teritoryo.

Ang grupo ay pinangunahan ng Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry Inc. kasabay ng apela para sa de-escalation ng tensyon sa dalawang bansa.

Nananawagan rin ito sa gobyerno ng dalawang bansa na piliin ang kapayapaan at kaligtasan para sa kanilang mga mamamayan.

Ayon kay Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry Inc. President Cecilio Pedro ang pagtaas ng tensyon ng dalawang bansa ay maaaring makaapekto sa mga negosyo .