Namataang umaaligid ang ilang Chinese warplanes malapit sa median line na naghahati sa Taiwan Strait kasabay ng inaasahang pagdating ni US House of Representatives Speaker Nancy Pelosi sa Taipei ngayong Martes.
Nabatid na paulit-ulit umano ang pagsasagawa ng Chinese aircraft ng tactical moves gaya ng saglit na pagtuntong nito sa median line at pagpapalibot sa ibang parte ng Taiwan strait nitong umaga ng Martes.
Habang ang aircraft naman ng Taiwa ay nakastandby lamang malapit sa naturang lugar.
Sa isang statement sinabi ng Taiwan’s Defence Ministry na nakahanda sila sa pagtugon sa military activities malapit sa Tiawan at agad na magdedeploy ng kanilang pwersa bilang tugon sa banta ng kalaban.
Una rito, makailang ulit na ring nagbabala ang China laban sa planong pagbisita ni Pelosi sa Taiwan na itinuturing ng Beijing na bahagi ng kanilang teritoryo.
Ayon sa isang Taiwan newspaper Liberty Times, nakatakdang dumating ang delegasyon ni Pelosi sa taiwan 10:20 p.m. (1420 GMT) ng Martes.