-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Pinangunahan ni Most Reverend Jose Cabantan,D.D ang kasalukuyang arsobispo ng Arkidiyosisis ng Cagayan de Oro City ang ecumenical at requiem mass upang bigyang mataas na pagkilala ang buhay ni Santo Papa Francisco sa loob ng Saint Augustine Metropolitan Cathedral nitong syudad.

Kasama ni Cabantan pagsagawa ng gawaing ito sina retired Cagayan de Oro Archbishop Antonio Ledesma,SJ maging ang Iglesia Filipina Independiente Cagayan de Oro Diocese Bishop Most Reverend Felixberto Calang,kinatawan ng United Church of Christ of the Philippines at iba pang Christian denominations na nakabase sa lungsod.

Sinabi ng mga pinunong ito na talagang totoo na tagabantay sa lahat ng panahon ang Heswitang Santo Padre.

Banggit pa ni IFI Bishop Calang na pinagsilbihan ni Pope Francis ang sangkatauhan na walang kondisyon kaya ganoon na lang ang pagmamahal ng mga tao lalo na ang mula sa mga laylayan.

Magugunitang magkatulad na paring Heswita sina Pope Francis at Ledesma kung saan nagkataon na siya ang naglagay kay Cabantan bilang pang-lima na arsobispo ng Cagayan de Oro simula taong 2020.