Muling nagpatupad ng flight cancellations sa Luzon, dahil sa epekto ng bagyong Marce.
Batay sa advisory na inilabas ng Civil Aviation Authority of the Philippines(CAAP), kinansela ang lahat ng scheduled commercial flight sa Tuguegarao City Airport.
Kinansela rin ang lahat ng mga Commercial flights sa Cauayan City Airport at Basco Airport sa probinsya ng Batanes.
Dahil sa mga flight cancellations, apektado ang 221 pasahero sa Luzon na may iba’t-ibang destinasyon.
Ayon sa CAAP, apektado ng malalakas na hangin at mabibigat na pag-ulan ang mga paliparan na malaking banta sa kaligtasan kapwa ng mga pasahero, crew, at mga piloto.
Inabisuhan naman ng CAAP ang mga pasahero na makipag-ugnayan muna sa mga commercial airlines bago magtungo sa mga paliparan sa Luzon, kung may mga scheduled o nakatakdang biyahe ngayon at sa mga susunod na araw.