-- Advertisements --

Tutulong ang National Historical Commission of the Philippines sa rehabilitasyon ng nasunog na Manila Central Post Office.

Ang National Historical Commission of the Philippines ang isyang pumoprotekta sa historical properties sa bansa.

Sa isang statement, nagpahayag ng pagkalungkot si NHCP Chair Emmanuel Franco Calairo sa nangyaring sunog sa isa sa pinakamatanda at makasaysayang iconic landmark sa lungsod ng Maynila.

Nangako ang komisyon sa pakikipagtulungan sa mga local at ahensiya ng gobyerno na tutulong sa Philippine Postal Corporation na nagsisilbi ding himpilan ang central post office sa anumang paraan para sa rehabilitasyon ng napinsalang gusali.

Ayon pa sa opisya na ang tanyag na struktura ay naging bahagi na ng buhay hindi lamang ng mga Manilenos kundi maging ng maraming Pilipino mula sa iba’t ibang parte ng bansa.

Nangako din ang National Museum of the Philippines (NMP) ng suporta para sa rehabilitationm efforts para sa central post office.

Noong 2018 kasi, idineklara ang Manila Central Post Office building bilang Important Cultural Property na saklaw para sa proteksiyon sa ilalim ng Heritage Law.

Nakiisa din ang National Commission for Culture and the Arts na tutulong para sa rehabilitasyon ng gusali.

Sa ngayon ayon sa NHCP, kanila munang bibigyang daan ang pagsasagawa ng retrieval operations at pagtugon sa basic needs ng kanilang mga empleyado.