-- Advertisements --
image 417

Agad humingi ng paumanhin ang mga Maynilad Water Services (Maynilad) sa kanilang mga customers sa National Capital Region (NCR) at Cavite dahil sa daily water service interruption.

Ayon sa Maynilad, ang water interruption ay magtatagal hanggang sa araw ng Martes, Marso 21.

Ito ay dahil pa rin uman osa sa mataas na raw water turbidity dahil sa hanging Amihan winds.

Kabilang sa mga apektadong barangay ay matatagpuan sa Las Piñas City, Muntinlupa City at Parañaque City sa Metro Manila.

Apektado rin dito ang Bacoor City, Cavite City, Imus City, Noveleta at Rosario sa Cavite.

Dahil dito, pinayuhan ng Maynilad ang mga customers na mag-ipon na ng sapat na tubig.

Sakaling bumalik naman daw ang water service, hayaan lamang itong tumulo sa kanilang gripo hanggang sa ito ay maging malinaw.

Sinabi ng kumpanya na mayroon namang mga mobile water tankers na iikot sa mga apektadong lugar para mag-deliver ng potable water habang mayroon namang stationary water tanks na matatagpuna sa ilang lugar.