Nakahanay ngayon ang ilang mga opisyal ng Bureau of Customs (BoC) sa mga nakatakdang sibakin ng Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa talumpati nito sa inagurasyon ng Chen Yi Agventures Rice Processing Center sa Alangalang, Leyte, sinabi ng Pangulong Duterte na magkakaroon uli ng tanggalan ng mga opisyal sa pagbalik nito sa Maynila.
Hindi naman pinangalanan ng Pangulo ang mga opisyal na sisipain nito sa kani-kanilang mga puwesto, maging ang rason ng kanyang aksyon.
Dagdag pa ng Pangulong Duterte, maaari raw niyang ipa-take over sa militar ang BoC dahil sa isyu pa rin ng kurapsyon sa ahensya.
“When I go back, I would be firing more from the Bureau of Customs. I’m just telegraphing maybe ilagay ko na sa Army,” wika ni Duterte.
Una nang ibinulgar ni Sen. Panfilo Lacson na “business as usual” pa rin daw ang mga tiwaling opisyal ng Customs.
Ayon kay Lacson, hindi pa rin daw nawawala ang tara system sa BoC kahit na sumentro rito ang kanyang expose dalawang taon na ang nakalilipas.