Mayroon ng mahigit 100 katao ang namatay at ilang miliyong residente ang nawalan ng bahay dahil sa nararanasang patuloy na pag-ulan sa Nepal, India at Bangladesh.
Malaking natamaan ang Indian states na Assam at Bihar kung saan mayroong 4.3 milyon mga katao ang nawalan ng bahay sa mahigit isang linggong naranasang pag-ulan.
Mula ng umapaw ang tubig sa Brahmaputra River sa India ay nakaranas din ng pagtaas ng tubig sa Himalayas sa Bangladesh.
Mayroon pang 31 nawawala at 64 ang nasawi sa landslide na tumama sa Nepal.
Umapaw na rin ang Kosi River na siyang naging sanhi ng pagtaas ng tubig sa lugar.
Hindi lamang ito ang unang pagkakataon na nakaranas ng matinding pagbaha ng nasabing bansa dahil noong 2017 ay umabot sa 800 katao ang nasawi ng tamaan ang nabanggit na mga bansa ng matinding pagbaha.