-- Advertisements --
Aabot sa 250 kahon ng mga antigen test kits at 640 kahon ng mga rapid test kits ang nakumpiska ng mga kapulisan sa lungsod ng Paranaque.
Isinagawa ng PNP Criminal Investigation and Detection Group at Paranaque City PNP ang paglusob sa isang bahay sa barangay Don Bosco.
Ibinebenta ang nasabing mga rapid test kits sa online kung saan hindi ito rehistrado sa Food and Drugs Administration.
Wala rin aniyang business ang may-ari ng bahay.