-- Advertisements --
chinese food product 1
Chinese food product

KALIBO, Aklan- Sinunog ng Bureau of Animal Industry at Agricultural Services Division ang nasa 242.55 kilograms na mga kinumpiskang karne sa Kalibo International Airport na mula pa sa bansang China at Korea.

Ayon kay Veterinary Quarantine Officer Dr. Christine Lynn Melgarejo na nakatalaga sa nasabing paliparan, kinabibilangan ang mga ito ng meat, pork, cooked chicken at processed beef products na dala umano ng mga turistang Chinese at Koreano papuntang isla ng Boracay.

Maliban na dumadaan sa x-ray scanner machine ang kargamento ng mga pasahero sa international flights, mano-mano pa itong binubuksan kaya natuklasan at kinumpiska ang naturang produkto na mahigpit na ipinagbabawal ng Bureau of Customs (BoC) na pinangangambahan na mahawaan ng African Swine Fever (ASF) ang livestocks sa bansa.

Nabatid na isinasama ng mga turista sa kanilang hand carry na kagamitan ang mga nasabing produkto sa paniniwala na makaiwas sa inspeksyon.