-- Advertisements --

Mahigit 140,000 na face masks ang nakumpiska ng mga kapulisan sa France na iligal na ibinebenta.

Nakuha ito sa isang negosyante habang ibinababa ang ilang kahong mask sa bahay nito sa St. Denis, north Paris.

Noong nakaraang buwan kasi ay dinoble ng gobyerno ng France ang paggawa ng mga face masks para may magamit ang mga health workers.

Nag-triple kasi ang presyo ng mga face masks bago muling madagdagan ang mga stocks.

Sa imbestigasyon ng mga kapulisan may sariling listahan na ng customers ang naarestong 60 at 46-anyos na suspect kung saan ibinebenta ito sa doble ang presyo.