-- Advertisements --

Sugatan ang ilang daang miyembro ng Hezbollah matapos ang naganap na pagsabog sa Beirut, Lebanon.

Base sa imbestigasyon ng Iran-backed Lebanese militant group na Hezbollah, na mayroong nag-“hacked” ng pager device nila sa bayan ng All Al-Nahrl at Riyaq.

Magkakasabay na sumabog ang mga pagers ng Hezbollah members.

Dinala na sa iba’t-ibang pagamutan ang mga sugatang Hezbollah members.

Itinuturing ng opisyal ng Hezboolah na ito na ang pinakamalaking secuirty breach mula ng sumiklab ang giyera sa Gaza.

Hindi naman nagbigay pa ng komento ang Israel ukol sa insidente kung saan binalaan nila Hezbollah na maglulunsad sila ng malakihang operasyon para mapalayas ang mga militanteng grupo sa border.