-- Advertisements --
Inaresto ng mga Belarus riot police ang ilang daang protesters.
Nakasagupa kasi ng mga kapulisan ang mga protesters sa Minsk ang capital ng nabanggit na bansa.
Sumiklab ang kilos protesta matapos na magwagi sa pagkapangulo si President Alexander Lukashenko.
Marami kasi sa kanila ang naniniwalang nagkaroong ng dayaan sa halalan.
Hindi naman kinikilala ng European Union at US si Lukashenko bilang pangulo ng bansa dahil sa dayaan na mariing itinanggi naman ng pangulo ang nasabing akusasyon.