-- Advertisements --
Mahigit 265,000 na mga residente ng US ang nawalan ng suplay ng kuryente dahil sa snow storm.
Ilan sa mga estado ay kinabibilangan ng Virginia, Kentucky, Indiana, West Virginia at Illinois.
Naapektuhan din ang mga negosyo sa Washington D.C kung saan aabot sa 16 na pulgada na kapal ng yelo ang naitala doon.
Maging ang ilang paliparan ay naapektuhan kung saan mahigit 100 flights ang nakansela at naantala sa O’Hare airport sa Chicago, Reagan National, Dulles International at Baltimore-Washington International.
Ibinabala ng National Weather Service (NWS) na magtatagal pa ang snow storm at ito ay mararanasan pa sa maraming lugar sa US.