Nagbukas na nang tig isang gate ang Magat Dam at Binga Dam nitong araw ng Miyerkules dahil sa mga pag-ulang dala ng Tropical Storm Kristine sa malaking bahagi ng bansa.
Ayon sa state weather bureau , nagbukas ang Magat Dan sa pagitan ng lalawigan ng Ifugao at Isabela ng 1.0 meter sa kanilang gate at ito ay nagpapakawala ng tubig na aabot sa 132.00 cubic meters per second.
Sa ngayon, ang reservoir water level ng Magat ay umaabot sa 182.28 meters.
Ito ay mas mababa sa 182.99 meters na naitala noong Martes.
Samantala, nagbukas naman ang isang gate ng Binga Dam sa Benguet ng 0.5 meter na kung saan nagpapakawala na ito ng tubig na umaabot sa 11.99 cubic meters per second .
Una rito ay ipinag-utos na ni PBBM sa mga concerned agencies na imonitor ang mga water level ng mga dam sa bansa dahil sa epekto ng bagyong Kristine.