-- Advertisements --
Patuloy na nagpapakawala ng tubig ang ilang Dam sa Luzon dahil sa patuloy na malalakas na pag-ulang dala ng Supertyphoon Julian.
Ayon sa state weather bureau , kinabibilangan ito ng Ambuklao, Binga, at Magat Dam.
Batay sa tala kaninang umaga, ang lebel ng tubig ng tatlong dam ay maaaring maabot ang normal high water level nito.
Sa ngayon aabot sa 752 meters ang lebel ng tubig ng Ambuklao mula sa 751.23 meters, Binga Dam na nasa 575 mula sa 573.40 meters, at Magat Dam na 190 meters nasa mula sa daing 184.18 meters.
Tumaas rin ng ilang sentimetro ang lebel ng tubig ng Angat,San Roque at Pantabangan dam.