-- Advertisements --

Tuluyan nang sinampahan ng kasong plunder at paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act sa Office of the Ombudsman ang ilang dating Maritime Industry Authority executives.

Kabilang dito ay sina dating Maritime Industry Authority (Marina) Administrator Hernani Fabia, kasalukuyang Administrator na si Sonia Malaluan at tatlong agency officials.

Nag-ugat ang kaso dahil sa umanoy illegal extension ng special permits na ibinigay nito sa foreign dredging vessels na karamihan ay sa China.

Bukod dito ay naghain rin ang complainant na United Filipino Seafarers sa pamamagitan ni chairman emeritus Nelson Ramirez ng administrative offenses para sa grave misconduct, grave abuse of authority at conduct prejudicial to the best interest of the service sa naturang mga respondents ng kaso.

Kasama rin sa reklamo sina dating chief of staff to the Office of the Administrator Jabeth Dacanay, National Capital Region-Marina director Marc Pascua, at Marina-Domestic Shipping director Rowena Hubilla.

Batay sa sampung pahinang complaint-affidavit, nilabag umano ng mga respondents ang tamang pag iisyu ng renewal ng special permits.

Top