Dismayado ang dalawang dating kaalyado sa pulitika ni Pasig City Mayor Vico Sotto dahil sa isyu ng umano’y troll farm.
Sa isang panayam, sinabi nina Ram Cruz at Bobby Hapin na ang pagkadismaya nila ay dahil na rin sa napakong pangako umano ng alkalde ng tumakbo ito .
Kabilang aniya sa napakong agenda ay sa usapin ng kalusugan kung saan problema pa rin ng mga health center ang gamot at medical services.
Napako rin umano ang pangako nitong pabahay na ngayon ay ‘di pa nasisimulan.
Bukod dito, hindi rin aniya sila kumbensido na champion sa kurapsyon si Sotto dahil sa panahong sangkot ang kanyang employado ay pinag reresign lamang niya ito.
May employado rin umano na sangkot sa troll army na pinagresign nito kamakailan.
Una rito ay pinabulaaan naman ng alkalde ang naturang mga paratang laban sa kanya.