Naglunsad ng silent protest ang ilang dating miyembro ng Kingdom of Jesus Christ sa harapan ng Konsulada ng Pilipinas sa New York city.
Kasabay nito, kanilang hinimok ang mga awtoridad sa PH na arestuhin si Pastor Apollo Quiboloy na humaharap sa samu’t saring kaso sa Pilipinas at sa Estado Unidos.
Kabilang sa mga nagprotesta ang dating pastoral member na si Arlene Stone na tumestigo sa imbestigasyon ng Senado.
Inihayag nito na hindi siya kumbinsidong hinahanap ng mga awtoridad si Quiboloy.
Sinabi din nito na naniniwala siyang may alam ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa kinaroroonan ng Pastor.
Subalit una ng itinnaggi ng dating pangulo na tinutulungan niya at itinatago sa kaniyang bahay ang KOJC leader.
Samantala, nagpaskil naman ang mga kasama sa silent protest ng wanted poster ni Quiboloy sa Little Manila sa Woodside, Queens.