Ikinatuwa ng mga dating opisyal ng gobyerno noong administrasyon ni yumaong Pangulong Benigno Aquino III ang pagbasura sa ikatlo at huling drug case ni dating Senador Leila de Lima.
Nitong Lunes, pinagbigyan ng Muntinlupa Regional Trial Court (RTC) Branch 206 ang demurrer to evidence ng dating senador na katumbas ng pagkakabasura ng kaso.
Sa magkahiwalay na pahayag, malugod na tinanggap ng mga tagasuporta ni De Lima ang desisyon ng RTC.
Kabilang na dito si dating presidential spokesperson ni Aquino na si Abigail Valte na tinawag itong vindication.
Nagpaabot din ng pagbati si dating Sen. Antonio Trillanes IV, na miyembro ng oposisyon sa Senado.
Ikinatuwa din ni Free Legal Assistance Group Chairperson Chel Diokno ang balita.
Samantala, ilan din sa diplomats ang bumati kay de lima kabilang sina Marielle Geraedts, ambassador of the Netherlands to the Philippines, German Ambassador to the Philippines Andreas Pfaffernoschke, European Union Ambassador Luc Veron.
Matatandaang nagsilbi si De Lima bilang Justice secretary noong administrasyong Aquino.
Sa ngayon, wala pang pahayag ang Department of Justice tungkol sa pagkakadismiss sa kaso ni De Lima.