-- Advertisements --
Malungkot na ipinamalita ng Philippine Paralympic Committee na nagpositibo sa COVID-19 ang ilang officials, coaches at para-athletes na sasabak sa Tokyo Paralympics.
Ayon sa inilabas na pahayag ni Paralympic Committee President Michael Barredo na naka-isolate na ang mga ito.
Hindi naman nito binanggit ang mga pangalan ng mga nagpositibong indibidwal.
Bagamat sa nangyari ay hindi pa rin nagbabago ang focus ng mga atleta para magwagi sa torneo.
Magsisimula ang Tokyo Paralympics sa darating na Agosto 24.