Sunod-sunod nang nagsipagdatingan ang ilang mga delegasyon na lalahok sa Palarong Pambansa 2024, ilang araw pa bago ang pormal na pagsisimula ng pinakamalaking sports competition sa Pilipinas.
Kaninang alas-5 ng madaling araw nang dumating sa lungsod ang mga delegado mula sa Region 8 (Eastern Visayas Region). Ang naturang delegasyon ay binubuo ng 400 mga atleta, coaches, at mga chaperone.
Inaasahang darating din ngayong araw ang ikalawang grupo ng mga delegado mula sa Bicol Region kung saan ang unang grupo ay nanuna nang dumating sa Cebu kahapon, July 5.
Kahapon, dumating na rin sa Cebu City ang mga delegasyon ng mula sa Zamboanga Peninsula. Ang naturang delegasyon ay mananatili naman sa Labangon Elementary School bilang billeting quarter.
Kahapon ay dumating na rin ang 800 atleta at mga coaches mula sa Region10 (Northern Mindanao).
Noong Huwebes, July 4, nauna na ring dumating sa lungsod ang delegasyon mula sa CAR.
Ang naturang delegasyon ay binubuo ng 700 atleta, coaches, at iba pang opisyal.
Inaasahan ng Palarong Pambansa organizing commitee ang tuloy-tuloy pang pagdagsa ng mga atleta, coaches, umpires, at mga manunuod sa gaganaping palaro na opisyal na magsisimula sa July 9 at magtatagal hanggang July 16.