Nag-isyu ng red alert warning signal ang India Meteorological Department sa anim na distrito ng Maharashtra na matinding hinagupit ng malakas na pagbuhos ng ulan epektibo sa susunod na 24 na oras.
Kabilang dito ang distrito ng Raigad, Ratnagiri at Sindhudurg, Pune, Satara at Kolhapur sa western Maharashtra.
Iniulat ng senior official mula sa State Disaster Management Department na tinatayang 129 katao na ang namatay bunsod ng nararanasang matinding pag-ulan na nagresulta ng landslide sa Maharashtra sa nakalipas na 48 hours kabilang dito ang 38 naitalang nasawi sa pananalasa ng lanslide sa isang village sa coastal ng Raigad district.
Pagtataya ng ahensiya na mararanasan ang heavy to heavy rainfall sa Mumbai at sa iba pang parte ng Maharashtra ng posibleng extremely heavy rain sa susunod na 48 oras.
Nauna ng inatasan ni Chief Minister Uddhav Thackeray ang Department Management units at concerned departments na manatiling alerto at pagsasagawa ng rescue operation.