Muling nagbabala ang Philippine College of Physicians ukol sa pagluluwag ng COVID-19 restrictions sa Metro Manila sa alert level 1.
Ayon kay Dr. Maricar Limpin, president of the Philippine College of Physicians, masyadong mabilis aniya ang pagpapababa ng quarantine classification ng NCR sa alert level 1.
Sa ngayon kasi aniya, ang naitatalang less than 10,00 COVID-19 cases ay marami pa rin lalo na at marami na rin ang mga taong lumalabas kaya’t may posibilidad pa ring tumaas ang COVID-19 infections.
Ito ay kasunod nang pahayag ni Health Secretary Francisco Duque na posibleng bumaba ang alert level sa rehiyon kung ang bilang ng COVID-19 cases kada araw ay bababa ng 500 hanggang 1,000.
Ibinabala din ni Dr. Limpin na mas malaki ang tiyansa na mahawaan ng COVID-19 ang mga batang edad 12 pababa na sa ngayon ay hindi pa pinapayagang maturukan ng COVID-19 vaccines.