-- Advertisements --
ILOILO CITY – Hati umano ang reaksyon ng mga Dutch sa Netherlands hinggil sa war on drugs campaign ng administrasyon ni Presidente Rodrigo Duterte.
Ito ay kasunod ng pagbukas ng International Criminal Court (ICC) ng imbestigasyon sa war on drugs sa Pilipinas.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Bombo international correspondent Esther Grace Falcutan direkta sa Netherlands, sinabi nito na may mga Dutch na bumilib kay Pangulong Duterte kung saan nagawa nitong labanan ang talamak na bentahan ng iligal na droga sa Pilipinas.
Ayon kay Falcutan, hindi lang Filipino community ang nakaantabay sa nasabing imbestigasyon kundi maging mga Dutch lalo na sa The Hague.