Patuloy na pinag-aralan ng mga eksperto ang magiging epekto sa katawan ng tao nang COVID-19 nasal swab test.
Ito’y matapos magtamo umano ng brain infection ang isang babae sa Estados Unidos dahil sa nasabing testing.
Batay sa report, nasira ang lining ng bungo ng 40-anyos na babae na naging sanhi umano ng pag-leak ng cerebrospinal fluid galing sa kanyang ilong dahilan sa impeksyon.
Dahil dito, iminungkahi ng ilang eksperto na dapat ikonsidera ng mga tao na may extensive sinus at sa mga sumasailalim sa skull base surgery na magpasailalim muna sa oral testing kung maari.
Dapat rin umanong sunding mabuti ng health care professionals ang testing protocols.
Nauna nang sinabi ni Jarrett Walsh, senior author ng pahayagan na makikita sa JAMA Otolaryngology–Head & Neck Surgery, na ang babaeng sumasailalim sa nasal test ang nakaranas ng pananakit sa ulo, pagsusuka, at paninigas ng leeg.
Samantala, sinabi naman ni Dennis Kraus, isang nose at throat specialist sa Lenox Hill Hospital sa New York City na nararapat ang karampatang training para sa health care professionals bago magsasagawa ng nasal test.