Ikinabahala ngayon ng ilang mga eksperto sa Amerika ang pagdami pa ng mga kabataan na tinatamaan ng COVID-19.
Una nang naglabas nang datos ang American Academy of Pediatrics kung saan lumalabas na sa kada linggo ay nasa mahigit ikatlong bahagdan o katumbas ng 26.8 percent ang nahahawa sa virus ay mga bata.
Ang naturang pangyayari ay sa gitna na rin ng puspusan na pagbubukas na ng mga eskwelahan sa mga estado sa Amerika.
Dahil dito paulit-ulit ang apela ni Dr. Anthony Fauci, director ng National Institute of Allergy and Infectious Diseases, lalo na sa mga magulang na magpabakuna na.
Maging aniya ang mga teachers at school personnel ay kailangang mauna na ring magpa-vaccine upang maprotektahan ang mga estudyante.
Sinasabing nito lamang nakalipas na linggo ay umaabot sa 251,781 ang mga bata na nahawa sa COVID mula sa mahigit 900,000 na mga kaso sa naturang period.