-- Advertisements --
image 362

Pinaghahanda na ng National Electrification Administration ang lahat ng mga electric cooperative sa bansa sa papalapit na Tropical Depression Egay.

Ito’y upang masiguro na hindi malubhang maapektuhan ang mga pangunahing linya ng kuryente sa bansa.

Sa inilabas na abiso ng naturang ahensya, kinakailangan magpatupad ng mga contingency measures ang mga apektadong kooperatiba ng kuryente upang mabasawan o maibsan ang epekto na dulot ng naturang sama ng panahon.

Pinatitiyak rin ng National Electrification Administration sa mga apektadong ECs na ang lahat ng mga kagamitan at buffer ay nakahanda sakaling kailanganin ang agarang restoration.

Inatasan rin nito ang mga ECs na i activate ang kani kanilang emergency response organizations kung kinakailangan.

Batay nga sa pinakahuling ulat ng state weather bureau, ang bagyong si Egay ay huling namataan sa layong 815km sa Silangan ng Timog Silangang Luzon.