Patuloy na minomonitor ng National Electrification Administration ang dalawang Electric Cooperative na naapektuhan ng nagdaang Super Typhoon Julian.
Ayon sa ahensya, sa ngayon ay nagkakaroon pa rin ng partial power interruption ang Batanes Electric Cooperative na siya namang nakaka apekto sa mga kustumer nito sa lalawigan.
Naibalik na rin ang normal na operasyon ng Ilocos Norte Electric Cooperative matapos ang 100% repair na isinagawa ng mga tauhan nito.
Batay sa datos ng NEA- Disaster Risk Reduction and Management Department, aabot sa 24 mula sa kabuuang 29 na munisipalidad sa lalawigan ang mayroong normal na supply ng kuryente o katumbas ng 82.76%.
Pumalo rin sa P1,008,258.12 ang inisyal na pinsala ng bagyong Julian sa Abra Electric Cooperative at Benguet Electric Cooperative.
Umabot rin sa 23 Electric Cooperative ang naitalang naapektuhan ng naturang sama ng panahon mula sa laging walong lalawigan at apat na rehiyon sa bansa.