-- Advertisements --

ILOILO CITY – Lomobo na sa 64 na mga empleyado ang nagkahawaan ng COVID-19 sa Iloilo City Hall.

Ito ay matapos na isinailalim sa mass testing ang higit 1,000 na mga empleyado.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Iloilo City Mayor Jerry Trenas, sinabi nito na naka-isolate na ang lahat ng mga nagpositibo sa nasabing virus.

Napag-alaman na naka-lockdown pa rin sa ngayon ang Iloilo City Hall upang bigyang daan ang disinfection.

Samantala, hiniling naman ng alkalde sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases na bakunahan ang lahat ng sektor sa lungsod ng Iloilo.

Sa ngayon ang Iloilo City ay nasa MECQ status.