Nagpositibo umano sa COVID-19 ang ilan sa mga empleyado ng isang restaurant sa Makati City.
Ito ay matapos ang naging pagbisita dito ng isang balikbayan mula Estados Unidos na hindi sumailalim sa quarantine.
Sa isang statement, sinabi ng Kampai na nagtungo ang nasabing balikbayan sa kanilang restaurant noong December 23 dakong alas-10:00 ng gabi hanggang ala-1:00 ng madaling araw.
Paliwanag ng management ng Kampai, hindi naman nila alam na ang naturang indibidwal ay mula pa sa ibang bansa at kinakailangan pang sumailalim sa strict isolation sa isang quarantine facility.
Kasalukuyan nang nakikipag-ugnayan ang establisyemento sa mga otoridad upang maimbestigahan ang nangyaring insidente.
Tiniyak din na handa silang gawin ang lahat ng kanilang makakaya upang magbigyan ng hustisya ang iba pang mga naapektuhan ng ginawang pagkakamali ng nasabing balikbayan.
Samantala, sa ngayon ay pansamantala munang magsasara ang naturang restaurant habang sumasailalim pa sa COVID-19 testing ang lahat ng kanilang mga empleyado at mag-self-quaratine ang mga ito sa loob ng isang linggo bago muling sumailalim sa retesting.