-- Advertisements --

Naaresto ang ilang miyembro ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) dahil sa alegasyon umano ng pagnanakaw ng sahod.

Ayon kay MMDA Chairman Romando Artes, na ang nasabing mga empleyado ay na
katalaga sa payroll division.

Dagdag pa ni Artes na binabawasan ng mga suspeks ang sahod ng ibang empleyado at ito ay inilalagay sa kanilang sahod.

Nakahanap umano ang mga suspek kung paano manipulahin ang kanilang payroll system.

Nadiskubre lamang ng ahensiya ang nasabing scheme noong nakaraang linggo.

Kasama ni Artes si MMDA general manager at retired police Col. Procopio Lipana at inaresto ang hindi na pinangalanang mga empleyado ng MMDA.

Tiniyak ni Artes na naghahanda na sila ng mabigat na kaso para hindi makapagpiyansa ang mga inireklamo.

Nagsasagawa na sila ng internal audit sa ahensiya para hindi na maulit pa ang insidente.