-- Advertisements --

ILOILO CITY-Nagpositibo sa drug test ang ilang job hires ng Iloilo City Hall.

Ito ay kinumpirma mismo ni Iloilo City Mayor Jerry Trenas ngunit hindi nito idinetalye kung ilan ang bilang ng jobhires na nagpositibo sa isinagawang nga random drug test.

Kasunod nito hinamon ni Iloilo City Councilor Plaridel Nava si Mayor Jerry Treñas na isapubliko ang pangalan ng mga nasabing job hires.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Nava, sinabi nito na kailangang ipakita ng alkalde na seryoso ang kanyang administrasyon sa kampanya kontra sa illegal na druga at kung may “political will” ang alkalde, dapat niyang patunayan ito sa pamamagitan ng pagsasapubliko ng mga jobhires na positibo sa druga.

Nag-ugat ang pagsasagawa ng random drug test sa city hall nang mahulig sa buy-bust operation noong Agosto 24, ang dating job hire ng City Hall na si Jerome Dequiña.

Tiniyak naman ng alkalde na hindi na muling iha-hire ng city government ang mga jobhires na drug positive.