-- Advertisements --

KALIBO, Aklan – Nananatiling mababa ang bilang ng mga turistang bumibisita sa isla ng Boracay matapos isailalim sa Alert Level 3 ang lalawigan ng Aklan at iba pang lugar sa bansa.

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Don Dicksie De Dios, hepe ng Malay Municipal Police Station, ilang restaurant at establisyemento ang pansamantalang nagsara dahil sa kawalan ng costumer.

May ilang airline company rin ang nagbawas ng biyahe papuntang Boracay.

Sa kasalukuyan, sinimulan na ng Department of Tourism (DOT) ang pagbakuna ng booster shots sa mga fully vaccinated nga tourism workers sa isla.

Nabatid na upang masiguro ang kaligtasan ng mga residente at bakasyunista, muling ni-require ng lokal na pamahalaan ng Malay ang negatibong resulta ng RT-PCR tests sa mga non-Aklanon tourist.

Samantala, dahil sa patuloy na tumataas na kaso ng COVID-19, nagkaroon ng ilang adjustment sa operasyon ng mga negosyo at curfew hour sa isla.

Ipinasiguro ni De Dios na patuloy na naka-alerto ang pulisya at mahigpit ang pagpapatupad ng health and safety protocols.

Mula sa dating daily average na 3,000-5,000 na tourist arrivals noong Disyembre, umaabot na lamang ito ngayon sa 200.