-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Nakapagtala na naman ng panibagong danyos dahil sa pagyanig na may lakas na magnitude 6.5 nitong umaga sa malaking bahagi ng Mindanao kung saan sentro pa rin nito ang hardly hit ng kalamidad ang Tulunan, North Cotabato.

Sa bahagi ng Koronadal City, nasira ang ilang ding-ding ng Gaisano Grand Mall Koronadal kung saan nasaksihan mismo ng isang empleyado ng city hall ang pagkahulog ng bahagi nito habang yumayanig.

Ang South Cotabato Provincial Hospital naman patuloy ang pagsidatingan ng mga ambulansyang may dalang mga taong nahimatay at nakapagtala ng sugat matapos ang nangyaring lindol.

patients quake south cotabato hospital.
Patients evacuated from South Cotabato General Hospital

Doon naman sa Kidapawan City, halos wasak din ang Eva hotel kung saan maswerte na lamang at inabandona na ito bago pa man bumagsak.

Sa ngayon mahigpit na monitoring ang isinasagawa ng lokal na gobyerno dahil sa mga patuloy na pagyanig.

Una rito napag-alaman na naramdaman ang Intensity VII sa Tulunan, Cotabato; Kidapawan City, Sta. Cruz, Matanao, Bansalan, at Magsaysay, Davao del Sur habang Intensity VI sa Tampakan, South Cotabato, Intensity V General Santos City, Tupi, South Cotabato, Isulan, Sultan Kudarat, Intensity IV, sa Lebak Sultan Kudarat.

Evas
Kidapawan City (photo from Bombo Garry Fuerzas)