-- Advertisements --

Umaabot na sa East Coast ang usok mula sa wildfire ng US West Coast.

Ayon sa National Weather Service (NWS) sa New York pa lamang ay mayroong 25,000 talampakan ang taas ng pagdaan ng usok.

Wala rin aniya itong epekto sa air quality dahil sa sobrang taas ng nasabing usok.

Maging sa Washington DC ay binalot ng usok ang langit kung saan ayon sa NWS na mayroong 15,000-25,000 talampakan ang taas ng nasabing usok.

Magugunitang sumiklab ang wildfire sa West Coast na ikinasawi ng 36 katao.