-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Dalawang beses nang nagdeklara ng class suspension ang Barangay Mamali Council at ang Mamali National High school sa Brgy. Mamali, Lambayong, Sultan Kudarat.

Ayon kay Midpatao Abpet ang head teacher-3 ng Mamali High School na isa na namang estudyante ang sinaniban ng masamang espiritu.

Nagsisigaw daw at nagpupumiglas ito habang hinahawakan ng mga guro hanggang sa nawalan ng malay.

Ilang minuto lamang ang nakalipas isang estudyante naman ang “sinaniban ng engkanto na nakatira raw sa pinutol na puno ng mangga.”

Nagsisigaw din ang mga estudyante na iba ang boses at nagsabi na “bakit pinutol ang punong mangga kung saan nasawi ang kanyang anak.”

Noong nakalipas lamang na linggo umaabot sa 15 estudyante ang sinaniban.